Wednesday, March 11, 2009

Paalala sa mga mapagusapin ni Dr Jose P Rizal


Minsa'y dalawang magkaibigan ay nakatagpô ng isang kabibi sa tabi ng dagat. Pinagtalunang ariin ng dalawa't, at ang sabi ng isa'y

—Ako, aniya ang nakakitang una.

—Ako naman ang pumulot, ang sagot ng Kaibigan.

Sa pagtatalong ito'y humarap silá sa hukom at humingî ng hatol. Binuksan ng hukom ang Kabibi, at kinain ang laman at pinaghati sa kanilang dalawa ang balat.

Paalaala sa mga mapagusapin.



Project Gutenberg